Top Most Wanted sa Sta. Fe, Nueva Viscaya, Arestado!

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City- Nadakip na ng kapulisan ang isang Top Most Wanted sa bayan ng Santa Fe, Nueva Viscaya sa isinagawang β€œOplan Manhunt Charlie” kamakailan.

Ang suspek ay kinilalang si Joenidick Luchaves Joker, trentay kwatro anyos, may-asawa, construction worker at residente ng Brgy. Balete, Sta Fe, Nueva Vizcaya.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, si Luchaves Joker ay dinakip ng mga elemento ng Sta. Fe Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Jose Godofredo Naui ng RTC Branch 37, Bambang, Nueva Vizcaya dahil sa kaso nitong Panggagahasa.


Batay sa inihayag ni Nueva Vizcaya Provincial Director PSSUPT Jeremias Aglugub, aniya si Luchaves Joker ay Number 1 na Top Most Wanted sa bayan ng Sta. Fe.

Hawak na ng Sante Fe Police Station ang suspek para sa kanyang karagdagang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments