Top Rated Players, Nasilat!

Angadanan, Isabela – Naungusan pagkatapos ng huling round sa 9-Round Swiss System ang dalawang grandmaster na kalahok sa Vice Mayor’s League of Isabela Open Chess Tournament na ginanap sa Angadanan, Isabela.

Ito ay matapos magkampeon si Fide Master Roel Abelgas sa kanyang 8 pts kung saan ay mas mataas kaysa sa naipon na puntos ni Grandmaster Rogelio Antonio Jr na 7.5 points lamang.

Pumangatlo, pang-apat at pang-lima sina National Master David Elorta, Ellan Asuela at Daniel Quizon na may tig- pitong puntos.


Silang talo ang naka-ungos kay Grandmaster Darwin Laylo na nakaipon ng 6.5 points na nagkasya sa pang anim na puesto lamang.

Samantala, ang pang pito hanggang sa pang sampung puesto sa pinal na ranking ay sina International Master Barlo Nadera na may 6.5 puntos, FIDE Master Austin Jacob Literatus, International Master Ronald Bancod at si Vince Angelo Medina na mag ti aanim na puntos.

Sa mga special awards sa base sa rating category ay nanguna sa under 2200 si Ricardo Batcho, Mark Jay Bacojo sa 2100, Errenz Dennison Caltisin sa under 2000, Danilo Bartolome na tubong Tuguegarao City sa under 1900 at sa unrated category ay nakuha naman ni Darwin Bintudan Jr ng Ifugao.

Ang Top Isabela player ay si Melchor Foronda ng Palattao, Naguilan Isabela ngunit siya ay naglalaro sa varsity team ng National University sa Maynila na nakakuha ng 5.5 puntos.

Top lady player naman si Kylen Joy Mordido ng Cavite na nakakuha ng 5 points.

Pawang mga dayo ang nanguna sa age group ng torneo sa Kiddies Division na pinagbidahan ni John Lance Valencia na nakakuha ng 6 points mula sa potential na 7 puntos sa 7-Round Swiss System format.

Dalawa lamang na hindi taga Cavite ang pasok sa top ten ng Kiddies Division. Ito ay sina Mhage Gerriah Lou Sebastian ng Apayao na pang-lima at si Darenz Eheng ng Ifugao na pang-walo.

sa age group, ang under 10 ay pinagbidahan ni Loraine Lacaba, under 8 ay si Jirah Floravie Cutiyog at ang under 6 ay si Mar Aviel Carredo na pawang mga taga Cavite.

Sa ginanap na closing ceremonies kaninang hapon ng Disyembre 17, 2017 ay nagpasalamat Vice Mayor Diosdado Siquian, pinuno ng Vice Mayor’s League of the Philippine-Isabela Chapter sa mga naging katuwang niya sa pagsasagawa ng torneong ito sa kanyang bayan.

Kanya ding binanggit ang kanyang kagalakan na makita ang mga batang lumahok sa torneo. Hinikayat ang mga magulang na ituloy ang suporta sa kanilang mga anak sa larangan ng chess.

Ang naging tournament director sa torneong ito ay si Ginoong Rolly “Bossot’ Agarao na tubong Angadanan na kasalukuyang nakabase sa lungsod ng Makati.

Kasama sa mga naging katuwang ng torneong ito ay ang NCFP na siyang pumatnubay sa laro, CEFAG, LGU Angadanan, ilang mga opisyal ng Isabela at DWKD RMN Cauayan.








Facebook Comments