Cauayan City, Isabela- Pinaigting ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang tota ban o pagbabawal na makalabas ang mga alagang baboy, frozen meat at processed products dahil sa epekto ng African Swine Fever sa ilang 9 na bayan sa probinsya.
Ito ay batay sa nilagdaan ni Governor Manuel Mamba ang Executive order no.33 series of 2020.
Nakapaloon sa kautusan ang higpitan ng mga LGU ang pagpapalabas sa mga produkto na gawa sa karne ng baboy partikular sa mga boundary area ng lalawigan.
Hakbang din ito ng provincial government dahil sa kasalukuyang second wave ng ASF na pangunahing apektado nag 9 na bayan o katumbas ng 27 barangay ang naitalang may pagkalat ng virus sa mga alagang baboy.
Matatandaang ipinag-utos kamakailan ni Mamba ang pagpapapasok ng karneng baboy mula sa Ilocos region upang maibasan ang kakulangan ng suplay nito at kalauna’y ipinatigil din.
Pinababantayan na rin ng ng Provincial Veterinary Office ang lahat ng checkpoints para masigurong walang makalalabas na produkto mula sa karneng baboy.
Patuloy din ang pagkalap ng mga blood samples ng mga baboy para matukoy kung mayroon itong virus.