Total deployment ban sa Ukraine, isusunod na ng OWWA

Sunod nang magpapatupad ang Overseas Workers Welfare Administration  (OWWA) ng total deployment ban sa Ukraine sa gitna ng patuloy na pag-atake rito ng Russia.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, ang kautusan para sa ban ay ilalabas ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Sa ngayon, sabi ni Cacdac, aatupagin muna nila ang mandatory repatriation sa mga Pilipinong nasa Ukraine.


Matatandaang itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Alert Level 4 sa Ukraine noong Marso 7 dahil sa lumalalang sitwasyon sa lugar na banta sa kaligtasan ng mga Pilipino roon.

Ayon kay Cacdac, 114 mga Pilipino na ang na-repatriate sa Ukraine mula nang mag-umpisa ang pananakop ng Russia.V

Facebook Comments