Total lockdown, suportado ng PNP dahil sa pagtaas ng bilang ng mga quarantine violators

Sinusuportahan ng Philippine National Police ang planong total lockdown ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagtaas ng bilang ng mga lumalabag sa Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay PNP Chief General Archie Francisco Gamboa, ilang mga local officials na rin ang nagpahayag na pabor silang mas maghigpit sa ipinatutupad na quarantine protocols.

Kaya naman inaasahan ni PNP Chief sa lahat ng Regional Directors na susuportahan rin ang planong total lockdown ng Pangulo.


Sa ngayon, naghihintay na lamang  sila ng go signal mula sa Pangulo para ipatupad ang total lockdown.

Sa ngayon, mayroon nang 126,302 na mga ECQ violators ang nahuli ng PNP.

Facebook Comments