Tourism at transport sector, ipinasasailalim na sa “high alert”

Ipinasasailalim ni Deputy Speaker Bernadette Herrera sa “high alert” ang tourism at transport sector ngayong may bagong banta ng Omicron COVID-19 variant na naitala na sa 16 na bansa.

Apela ni Herrera sa Inter-Agency Task Force (IATF), paigtingin pa ang pagbabantay upang hindi makalusot sa Pilipinas ang pinangangambahang bagong variant ng sakit.

Hiling nito sa IATF na i-test ang lahat ng pasahero at crew ng mga parating na flights gayundin sa mga dadaong na barko.


Ipinalalagay rin nito sa high alert laban sa Omicron variant ang lahat ng international airports, airlines, hotels, immigration bureau, customs bureau, airport transport companies, TNCs, taxis, at lahat ng mga barangay na matatagpuan ang mga hotel.

Mahalaga aniyang ngayon pa lang ay mailatag na ang decontamination protocols sa mga pampublikong lugar gayundin ang pagpasok at paglabas ng mga tao maging ng mga padalang packages upang makontrol ang posibleng pagpasok ng Omicron variant.

Facebook Comments