Tourist bus sa Giza Pyramids sa Egypt, pinasabugan; 17 katao, sugatan!

17 katao ang sugatan matapos pagsabog ang isang tourist bus sa Giza Pyramids sa Egypt.

Ayon sa Egyptian officials, patungo sana sa ginagawang Grand Egyptian Museum ang mga biktima na karamihan ay mga turista nang maganap ang insidente.

Ang pag-atake ay naganap sa gitna ng pag-ahon pa lamang ng tourism industry ng bansa matapos ang ilang taong sigalot sa pulitika at karahasan mula noong 2011.


Bukod sa tourist bus, nasira rin ng pagsabog ang windshield ng isang kotse.

Maswerteng hindi nagdulot ng pinsala sa museum ang pagsabog.

Wala pang grupo na umaako ng responsibilidad sa pagsabog.

Facebook Comments