Warriors, wagi kontra Blazers; 110-99

Isang panalo na lang para masungkit ng Golden State Warriors ang kampiyonato sa NBA Western Conference Finals.

Ito ay matapos na magwagi ang Golden State Warriors sa game 3 kontra Portland Trail Blazers sa iskor na 110-99.

Nakapagtala ng 20 points, 13 rebounds at 12 assists si Draymond Green habang nakaambag naman ng 36 points si Stephen Curry.


Sa Martes, susubukang makabawi ng Blazers sa game 4 oras sa Pilipinas.

Samantala, abangan naman mamaya ang paghaharap ng Milwaukee Bucks vs. Toronto Raptors sa game 3 ng Eastern Conference Finals.

Facebook Comments