Manila, Philippines – Base sa pinakahuling tala ng Department of Labor and Employment, nasa 6 na libong mga bakanteng posisyon ang maaaring pasukan ng mga aplikante ang naka paskil ngayon sa job portal ng DOLE na PhilJobNet.
Sa datos ng Bureau of Local Employment, nangunguna sa mga bakanteng posisyon ang mga machine operators, sinundan ng call center agents, domestic helper, staff nurse, driver, teller, sales clerk at market salesperson.
Dahil dito, muling hinihikayat ng DOLE ang mga job seekers na tangkilikin ang PhilJobNet, dahil bukod sa maraming bakaneng trabaho ang nakapost dito, dinisenyo rin ito upang mapadali ang aplikasyon ng mga job seekers.
Facebook Comments