
Pinagtibay ng mga bansang kasapi ng Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) ang kanilang pagkakaisa para palakasin ang ekonomiya, kabuhayan, at koneksyon sa rehiyon sa ginanap na Special BIMP-EAGA Summit sa Cebu.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mahalagang maisakatuparan ang mga plano sa pamamagitan ng mga programang magbibigay ng trabaho, magpapalawak ng oportunidad, at magpapalakas ng ugnayan ng mga komunidad sa subregion.
Binigyang-diin din ng pangulo ang kahalagahan ng pagtutulungan ng Brunei, Indonesia, Malaysia, at Pilipinas para mapabilis ang pag-unlad sa mga lugar na kulang pa sa oportunidad at serbisyo.
Ang BIMP-EAGA ay isang regional cooperation initiative na nakatuon sa pagpapalago ng ekonomiya at pagpapabuti ng kalidad ng buhay sa mga karatig-lugar ng apat na bansa.










