Friday, May 8, 2026

Pilipinas at Vietnam, nagkasundo sa pangmatagalang suplay ng bigas

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay bagong Vietnamese Prime Minister Lê Minh Hưng sa sidelines ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, kung saan pinagtibay ng dalawang bansa ang mas malalim na ugnayan sa kalakalan, pagkain, seguridad, at turismo.

Binigyang-diin ng dalawang lider ang ika-50 anibersaryo ng relasyon ng Pilipinas at Vietnam bilang daan para palakasin pa ang kooperasyon ng dalawang bansa.

Nagkasundo rin ang Pilipinas at Vietnam na magtatag ng pangmatagalang rice trade mechanism upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng bigas at mapalakas ang food security.

Tinalakay din ng dalawang lider ang mas maigting na pagtutulungan laban sa scam hubs, human trafficking, at iba pang transnational crimes, pati na ang pagpapalawak ng kooperasyon sa turismo.

Facebook Comments