Friday, May 8, 2026

Pilipinas, namagitan sa usaping ng hangganan ng teritoryo ng Cambodia at Thailand

Umusad na ang usapin sa hangganan ng teritoryo ng Cambodia at Thailand matapos ang trilateral meeting na pinangunahan ng Pilipinas sa 48th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Cebu.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., may mga napagkasunduan ang dalawang bansa at natalakay ang mga susunod na hakbang para mapanatili ang kapayapaan at maiwasan ang paglala ng tensyon sa border dispute.

Sinabi rin ng pangulo na kapwa nagkasundo ang Cambodia at Thailand na ipagpatuloy ang dayalogo at iwasan ang mga hakbang na maaaring magpalala ng sigalot.

Dagdag pa ng pangulo, inatasan na ang foreign ministers ng dalawang bansa na ituloy ang pag-uusap upang mapanatili ang kapayapaan at katatagan.

Nagpasalamat naman sina Cambodian Prime Minister Hun Manet at Thai Prime Minister Anutin Charnvirakul kay Pangulong Marcos sa pangunguna ng Pilipinas sa usapan.

Facebook Comments