Trabaho at pagbabakuna, nais ng mga Pilipino na talakayin ni Pangulong Duterte sa kaniyang huling SONA

Nais ng mga pilipino na i-prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-anim at huling State of the Nation Address (SONA) ang usapin ng paglikha ng trabaho at pagpapataas ng COVID-19 vaccination program ng bansa.

Sa Pulse Asia survey na isinagawa noong June 7 hanggang 16, lumabas na 38% ng mga Pilipino ang nais na talakayin ng pangulo ang paglikha ng trabaho o kabuhayan.

Sinundan ito ng pagpapaunlad ng ekonomiya, 35%; pagkontrol sa inflation, 33%; at mga plano para mapabilis ang pagbabakuna, 31%.


Kabilang rin sa mga usaping ikinokonsiderang ‘urgent’ ng mga Pinoy ay ang pagpapataas sa sahod ng mga manggagawa (26%); pagpapahusay ng sistema ng edukasyon (26%); hakbang para mapigilan ang panghihimasok ng China sa teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea (25%); at paglaban sa korapsyon (24%).

Habang nasa 17% lamang ng mga Pinoy ang interesado sa problema ng iligal na droga na siyang centerpiece at prayoridad ng administrasyong Duterte.

Facebook Comments