Cauayan City, Isabela- Sinuspinde ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano ang trabaho ng ilang empleyado sa mga piling tanggapan ng city hall para sa isasagawang disinfection makaraang magpositibo sa virus ang ilang empleyado.
Ayon kay City Information Officer Lenie Umoso, 20 katao kabilang ang alkalde ay sumailalim sa swab test makaraang maexpose sa naunang dalawang nagpositibo sa COVID-19 hanggang nagnegatibo naman ang resulta ng pagsusuri ni Mayor Soriano.
Aniya, mananatili pa rin namang nakabukas ang ilang tanggapan ng cityhall gaya ng Assessors at Treasurer Office upang bigyang daan ang ilang residente na magkakaroon ng transaksyon sa nasabing mga tanggapan.
Ayon pa kay Umoso, iniiwasan nilang magbigay ng panic sa publiko sa kabila ng suspensyon sa trabaho ng mga empleyado.
Tatagal naman ng anim (6) na araw simula ngayon ang suspensyon sa trabaho ng mga empleyado para matiyak na magiging maayos sitwasyon at sa gagawing contact tracing sa naidagdag na positibong kaso.