MANILA – Pinatitigil na ng Department of Labor and Employment ang trabaho sa lahat ng kumpanya na may kaugnayan sa paggawa at pagbebenta ng mga pyrotechnics at firecrackers sa buong bansa.Kasunod na rin ito ng magkasunod na aksidente sa pagawaan ng paputok sa Bulacan.Naganap ang unang aksidente noong Oct. 12 sa Bocaue, kung saan dalawa ang nasawi sa pagsabog ng pagawaan ng paputok at noong Miyerkules sa Sta. Maria Bulacan na ikinasawi naman ng isang nanay at dalawa niyang anak.Sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello, na maituturing na banta sa kaligtasan ng mga manggagawa ang patuloy na produksyon ng paputok, lalo nat patuloy ang paggawa ngayong holiday season.Agad na inatasan ni Bello ang lahat ng regional directors nito, katuwang ang PNP, BFP at LGU’s na busisiin ang lahat ng establisyimento ng paputok sa kani-kanilang nasasakupan para alamin kung nakasusunod sila sa work safety standards.Kung sa isasagawang inspeksyon ay makikitang sumusunod naman sa labor standards ang establisyimento ay aalisin ang work stoppage order at papayagan na silang magbukas.Ang mga maaapektuhang manggagawa sa mga isasarang kumpanya ay bibigyan ng tulong ng DOLE sa pamamagitan ng Bureau of Local Employment at Bureau of Workers with special concerns.
Trabaho Sa Mga Pagawaan Ng Paputok Sa Bansa, Pinahihinto Ng Dole
Facebook Comments