Operasyon ng San Lazaro Hospital sa non-COVID patients, nananatiling normal

Tiniyak ng pamunuan ng San Lazaro Hospital na normal ang kanilang operasyon para sa non-COVID-19 patients.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, head ng Infectious Disease ng nasabing ospital, bukas pa rin ang kanilang mga pasilidad para sa iba pang mga pasyente kabilang na ang mga nakagat ng mga hayop at iba pa.

Ang apektado lamang aniya sa ngayon ay ang kanilang intensive care unit (ICU) dahil sa limitado lamang sa 10 ang kapasidad nito.


Pero matagal na aniya nilang napaghandaan ang COVID-19 mula noong nakalipas na taon.

Kung sakali namang maaapektuhan ang kanilang operasyon ay agad silang maglalabas ng abiso sa publiko.

Facebook Comments