Trade Secretary Alfredo Pascual, positibo ang pananaw sa pag-renew ng Pilipinas sa GSP+

Kumpiyansa si Trade Secretary Alfredo Pascual na mare-renew ang Generalized System of Preference Plus o GSP+ ng Pilipinas na nakatakdang mapaso ngayong katapusan ng 2023.

Kasunod ito ng tatlong araw na pagbisita ng mga kinatawan ng Subcommittee on Human Rights ng European Parliament kung saan gumawa ng courtesy call ang mga ito kay Pascual.

Ayon sa kalihim, ipinunto niya sa delegasyon na seryoso ang Pilipinas sa obligasyon nitong maabot ang requirement na hinihingi ng EU pagdating sa human at labor rights, environment at good governance.


Dagdag pa nito, patunay aniya ang pagbisita ng European delegation na bukas pa rin sila sa posibilidad ng pag-renew ng GSP+ para sa Pilipinas.

Magugunitang iginiit ni European Parliament member na si Hannah Neumann ang pagsali muli ng Pilipinas sa International Criminal Court at pagpapalaya kay Senator Leila De Lima bilang patunay na desidido ang Pilipinas na i-renew ang pribilehiyo sa GSP+.

Ang GSP+ ay ang kasunduang nagbibigay ng insentibo sa Pilipinas upang hindi patawan ng export tax ang aabot sa higit 6,000 locally-made products.

Facebook Comments