DOH, nakapagtala ng 142 na bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 142 na bagong kaso ng COVID-19.

Dahil dito, bahagyang umakyat sa 9,343 ang aktibong kaso o ang mga patuloy na nagpapagaling sa sakit.

Pumalo naman sa 4,000,638 ang bilang ng gumaling sa COVID-19 habang nasa 66,083 na ang kabuuang bilang ng nasawi matapos madagdagan ng 13.


Ayon kay OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, nasa 1.9 percent ang COVID-19 positivity rate o yung bilang ng nagpopositibo mula sa mga tinest na sample.

Inaasahan namang maglalaro sa 150 hanggang 200 ang bagong kasong maitatala ngayong araw.

Facebook Comments