Traffic Crisis Management Act, lusot na sa Kamara

Manila, Philippines – Inaprubahan na sa Kamara ang pondo para sa ‘Traffic Crisis Management Act of 2016’.

Layon nito na magbigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-resolba sa lumalalang krisis sa trapiko.

Ayon kay Davao 1st District Representative Karlo Nograles – mahalagang magkaroon ng ganitong kapangyarihan ang pangulo para maiwasan pang umabot sa national crisis level ang problema ng trapiko sa metro manila gayundin sa iba pang urban areas.


Buong tiwala ni Nograles na maipapasa ang panukalang batas sa plenaryo pagkatapos ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 24.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments