Manila, Philippines – Kalaboso ang isang traffic enforcer matapos maaktuhang gumagamit ng droga sa san Andres Bukid, Maynila.
Kinilala ang suspek Johnnie Del Castillo, 53-anyos at residente ng Malibay, Pasay.
Ayon sa Santa Ana police, nakatanggap sila ng tip hinggil sa nagaganap na pot session sa isang bahay sa radium street.
Dito naaktuhang humihithit ng shabu si Del Castillo na nakasuot pa ng uniporme ng pasay traffic and parking management.
Narekober kay Del Castillo ang ilang sachet ng shabu at drug paraphernalia.
Haharap sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drug act ang suspek.
Facebook Comments