Traffic enforcer na pinaratangan ng pagpunit sa driver’s license ng isang motorist, ipinagtanggol ng MMDA

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ng MMDA ang isang traffic enforcer nito na pinaratangan ng pagpunit sa driver’s license ng isang motorista.

Sa nag-viral na video sa social media, sinabi ng motorcycle rider na si Ronan Pastrana na hinuli siya ni MMDA Traffic Constable Gilbert Rafal sa bahagi ng Commonwealth Avenue, Quezon City dahil sa over speeding.

Nang ipakita ang kanyang expired na lisensya, pinunit aniya ito ni Rafal kahit pa nagpakita rin siya ng resibo para sa kanyang bagong lisensya.


Pero lumabas sa imbestigasyon ng mmda na hindi totoo ang paratang ng motorcycle rider lalo’t nakuha nila ang buong lisensya nito.

Napag-alaman din na nagpanggap na pulis si Pastrana at sinubukang suhulan ang traffic enforcer.

Ilang araw ding hinimok ng MMDA si Pastrana para magsampa ng pormal na reklamo pero hindi naman ito nakikipag-ugnayan sa kanila.

Deactivated na rin ang kanyang Facebook account.

Facebook Comments