TRAHEDYA | Bilang ng mga nasawi at nawawala sa Itogon Landslide, nilinaw

Nilinaw ni Presidential Adviser on Political Affairs at bagyong Ompong point man Francis Tolentino ang bilang ng mga nasawi at nawawala sa landslide sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet.

Ayon kay tolentino, 54 ang opisyal na nasawi sa nangyaring landslide habang 19 ang nawawala pa.

Aniya, mas mababa ito kumpara sa 60 datos ng mga awtoridad na nasa ground.


Paliwanag ni Tolentino, isinama kasi sa bilang ng mga awtoridad sa ground area ang mga nakuha nilang putol na mga braso at binti.

Gayung kailangan muna aniyang dumaan sa DNA testing ang mga bahagi ng putol na katawan para malaman ang pagkakakilanlan at maitala bilang casualty.

Facebook Comments