TRAHEDYA SA DAGAT | 7 bangkay, narekober sa karagatan ng Sitangkai Island sa Tawi-Tawi

140

Tawi-Tawi – Narekober ng mga otoridad ang pitong mga bangkay ang magkakahiwalay na parte sa karagatan ng Sitangkai Island, Tawi-Tawi.

Ang nasabing mga bangkay ay kabilang 15 katao na naiulat na nawawala matapos lumubog ang sinasakyan nilang motorized bangka sa karagatang ng Mataking Island at Siamel Island ng Sabah noong Hulyo 30.

Agad naman na inilibing ang mga bangkay dahil nabubulok na ang mga ito kung saan anim dito ay babae at isang lalaki.

Isa sa 15 sakay ng lumubog na bangka ang masuwerteng nakaligtas matapos masagip ng ilang mangingisda na kinilalang si Ibrahim Hassan Mandul.

Ang mga biktima na karamihan ay magkakamag-anak ay parehong mga residente ng Sapa-Sapa Municipality sa Tawi-Tawi.

Facebook Comments