TRAIN LAW | BIR, magsasagawa ng public consultation sa ilalabas na implementing rules

Manila, Philippines – Magsasagawa ng public consultation ang Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa ilalabas nilang implementing rules sa “Tax Reform For Acceleration And Inclusion (TRAIN) Law.

Ito ay isasagawa ng BIR sa January 11 at 12, 2018 habang ang internal briefings ay gagawin sa January 24 hanggang 26, 2018.

Maliban rito, maglalabas rin ang BIR ng ibat ibang Revenue Regulations (RR) kasama ang Revenue Memorandum Order (RMO) tungkol sa VAT refund system.


Magtatalaga rin ang ahensiya ng sistema tungkol sa e-sales at e-reporting.

Umapela naman ang BIR sa taxpayers na basahin at unawaing mabuti ang TRAIN law para sa maayos na pagpapatupad sa nasabing batas.

Facebook Comments