TRAIN LAW | DTI, magpapakalat ng monitoring team para matiyak na walang magsasamantalang negosyante

Manila, Philippines – Kasunod ng inaasahang bahagyang paggalaw sa presyo ng basic commodities dahil sa ipatutupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law ng Duterte Administration.

Tiniyak ng Department of Trade & Industry na bantay-sarado pa rin nila ang mga pangunahing pamilihan upang hindi makapagsamantala ang ilang negosyante.

Maliban sa Metro Manila, mayroon din aniya silang monitoring teams sa mga lalawigan.


Inaasahan kasing bago matapos ang buwan ng Enero ay magkakaroon na ng bahagyang paggalaw sa presyo ng mga basic needs dahil sa TRAIN law.

Inihalimbawa pa ng DTI ang 155g na sardinas kung ngayon nasa P13.45 ang SRP nito kapag epektibo na ang TRAIN law ay magiging P13.49 na ang presyo nito.

Instant noodles P7.30 – P7.33, 170g na meatloaf P18.40 – P18.44 kapag epektibo na ang TRAIN law.

Binabalaan din ng DTI ang mga mananamantalang negosyante na maaari silang magmulta ng P20,000 hanggang P1M.

Maaari namang magtext o tumawag sa mga numerong 7513330 at 09178343330 at dito isumbong ang mga mananamantalang mga negosyante.

Facebook Comments