Manila, Phiippines – Isang consumer group ang naghain sa Korte Suprema ng ikalawang petisyon laban sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law (TRAIN Law).
Sa petisyon ng grupong Laban Konsyumer Incorporated, iginiit nila na ang TRAIN law ay mabigat na pasanin para sa mga Pilipino lalo na ang kumikita ng maliit.
Tinukoy ng grupo ang mas mataas na buwis sa mga produktong petrolyo at sa uling na itinuturing na basic commodity.
Anila, maituturing na unconstitutional ang TRAIN Law kaya hinihiling nila ang pagpapalabas ng Temporary Restraining Order o status quo ante order para mapigil ang pagpapatupad ng TRAIN law.
Kabilang sa respondents sa petisyon sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Finance Secretary Carlos Dominguez III, Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay, House Speaker Pantaleon Alvarez, at Senate President Aquilino Pimentel III.