Cauayan City, Isabela – Nagpapatuloy ang 3-day training ukol sa pagpapatatag ng Sabutan bilang bahagi ng Palanan Tourism Related Livelihood and Experiences mula July 25-27, 2022 sa Palanan, Isabela.
Inilaan ang nabanggit na pagsasanay para sa mga Palanan Upstream Women Weavers Association at Sabutan Weavers Association sa nasabing bayan.
Inisyatibo ng Department of Tourism Region 2 ang nasabing training katuwang ang LGU Palanan sa pangunguna ni Mayor Angelo “Bimbo” Bernardo; Ginoong Troy Alexander Miano, Provincial Tourism Officer ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela at Forester Federico Cauilan Jr., CENRO Palanan.
Layunin ng pagsasanay na palaguin ang mga lokal na produkto partikular ang Sabutan na isang katutubong pananim ng Palanan upang magbigay ng karagdagang kabuhayan sa mga mamamayan nito gayundin ay mahasa ang kanilang pagkamalikhain.
Facebook Comments