Walang anumang sama ng panahon sa loob ng bansa at tanging ridge of high pressure area ang nakakaapekto sa silangang bahagi ng Luzon.
Dahil dito, asahan pa rin sa dakong tanghali ang mainit at maalinsangang panahon habang sa hapon o gabi ay posible ang mga pag-ulan.
Dahil sa mga pag-ulan, nilinaw sa interview ng RMN Manila ni PAGASA weather forecaster Benny Estareja na nasa transition period na papuntang panahon ng tag-ulan ang bansa.
Pero, paglilinaw ng PAGASA na kahit pumasok ang panahon ng tag-ulan, patuloy na mararanasan ang El Niño phenomenon sa bansa hanggang Agosto.
Facebook Comments