Transition period patungong cashless toll system, pinalawig ng TRB

Pinalawig pa ng Toll Regulatory Board (TRB) ang transition period para sa lahat ng transaksyon sa tollways ay maging 100-porsyentong cashless.

Ayon kay TRB Spokesperson Julius Corpuz, ang transition period ay magpapatuloy hanggang sa susunod na abiso.

Ibig sabihin, ang lahat ng cash payments ay tatanggapin pa rin, ang mga motoristang walang radio frequency identification (RFID) ay hindi huhulihin at magpapatuloy ang RFID subscription at installation.


Ginawa nila ang desisyong ito para bigyan ng konsiderasyon ang mga motoristang hindi pa nakakapagdikit ng RFID tags sa kanilang mga sasakyan.

Binibigyan din nila ng panahon ang mga toll operators na ayusin ang ilang isyu sa sistema at paghusayin pa ito.

Facebook Comments