Transport sector, pumalag sa smoke belching campaign

Sa Cagayan De Oro, Pumalag ang transport sector ng Cagayan De Oro nitong mahigpit na kampanya ng Smoke Belching ng City Local Environment and Natural Resources Office o CLENRO.

Ito ang inihayag ni Joel Gabatan ang Vice President ng Northern Mindanao National Confederation of Transport Union.

Ayon kay Gabatan na sa oras na maglunsad ng smoke belching campaign ang CLENRO ay humihinto sa pamamasada ang mga drivers ng Public Utility Jeepneys o PUJS.


Ito’y upang makaiwas sa 500 pesos na multa ang mga PUJ Drivers sa oras na hindi makapasa sa smoke belching test ang kanilang mga PUJ.

Inamin ni Gabatan na halos lahat ng mga PUJs sa Cagayan De Oro ay hindi makakapasa sa Smoke Belching Emission Test ng CLENRO dahil halos lahat ng PUJ ay bumubuga ng itim na uso.

Facebook Comments