DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Magpapatuloy naman umano ang mga programa sa transportasyon sa lungsod ng Dagupan kasabay ng mga isinasagawang mga pagbabago nito kasabay ng pandemya, ito ngayon ang iginiit ng lokal na pamahalaan nito.
Ayon kay Dagupan City Administrator Vladimir Mata, sa kamakailang naging pagbisita ni DOTR Secretary Art Tugade sa lungsod ng Dagupan may suporta mula sa Department of Transportation (DOTR) ang transport sector dito sa lungsod ng Dagupan.
Dagdag nito buo ang suporta ng kalihim sa transport sector kaya dapat na tuloy-tuloy lang ang pagpapatupad ng mga programa para sa mga tsuper hindi lamang ng jeepney kundi maging ng bus at tricycle drivers at operators.
Hinikayat pa umano ng kalihim ang na makipag-ugnayan lang sa mga opisyal ng DOTR para sa pagpapalago at pagpapaganda ng programang ipinapatupad para sa transport sector tulad na lamang ng “Tsuper Iskolar” ng DOTr nang sa gayon umano ay madagdagan ang kaalaman at kita ng mga ito.