Transport strike, ramdam na lungsod ng Maynila

Manila, Philippines – Bagaman idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanselado ang pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno, mga pampubliko at pribadong eskuwelahan, ramdam na rin ng mga nagsisipasok sa mga pribadong opisina ang unang araw sa 2-day nationwide strike na ikinasa ngayon ng grupong PISTON.

Mula sa Divisoria hanggang sa kahabaan ng Cm Recto patungo sa Carriedo, hanggang Quiapo, sa bahagi ng Morayta at Quiapo ay madalang na ang biyahe ng mga jeep.

Mula sa Quiapo hanggang sa Mendiola patungong San Marcelino hanggang sa United Nations Avenue patungong Taft Avenue ay kapuna-puna ang madalang lamang ng mga PUJ.


At dahil dito ay mayroon ng mga pasaherong stranded.
Sa maynila, kasado na ang libreng sakay ng Manila City Government, Department of Public Works and Highways, Metro Manila Development Authority,

Manila Police District at ilang pribadong bus na nakahilera sa Quirino Grandstand upang ipakalat sa mga lugar kung saan maraming commuters ang maaaring maapektuhan ng unang araw sa inilatag na tigil-pasada ng grupong pinagkaisang samahan ng mga tsuper at operators nationwide o PISTON.

Facebook Comments