Trapik sa Pilipinas, pinakamalala sa ASEAN, pang-siyam sa buong mundo

71

Nangunguna ang Pilipinas sa lahat ng mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na malala ang trapiko, at pang-siyam sa buong mundo.

Batay sa 2020 Traffic Index ng Numbeo sakop ang 81 bansa, nagsagawa ng assessment hinggil sa ilang factors tulad ng average time na ginugugol ng isang pasahero o motorista sa trapiko, estimated time ng dissatisfaction, overall inefficiencies sa traffic system at carbon dioxide consumption sa trapiko.


Ang mataas na score sa index ibig sabihin ay mababa ang traffic quality.

Ang Pilipinas ay nakakuha ng 198.84 points na traffic index, mataas sa Colombia na nasa ika-10 pwesto na nasa 198.41.

Sa ASEAN, mas malala ang trapiko sa Pilipinas, kumpara sa Indonesia na may 194.61 traffic index, kasunod ang Thailand (170.60), Malaysia (169.14), Singapore (148.61), at Vietnam (111.12).

Sa buong mundo, ang Nigeria ang may pinakamalalang trapiko na may score na 308.03, pangalawa ang Sri Lanka, Kenya, Bangladesh, at Egypt.




Kukumpleto sa Top 10 ang Iran, Peru, India, Pilipinas, at Colombia.

Ang Numbeo ay nagbibigay ng napapanahong impormasyon hinggil sa kondisyon ng pamumuhay sa mundo kabilang ang cost of living, housing, healthcare, traffic, crime, at pollution.

Facebook Comments