TRASLACION 2018 | Manila City Government, sinimulan na ang paghahanda

Manila, Philippines – Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang paghahanda sa Traslacion 2018 sa susunod na linggo.
Sinuyod kasi ng mga tauhan ng Manila Task Force Clean Up ang mga lugar kung saan paparada ang poong itm na Nazareno sa Martes, Enero a Nueve.
Layon ng naturang paglilinis na maiiwas ang mga deboto sa mga posibleng pinsala na kanilang matamo sa oras na sila ay pumarada gaya ng mga bubog nakalawit na kawad ng kuryente, mga sasakyan na iligal na naka parada sa kalsada at iba pa.
Kasama ng Manila Task Force Clean Up ang Department of Public Services katulong ang iba pang departamento sa manila city hall gaya ng Manila engineering office at Manila Traffic and Parking Bureau.
Sinimulan ang naturang Clean Up sa Dasmarinas St. cor. Escolta, Binondo, Manila. at saka binagtas ang rutang dadaanan ng andas.

Facebook Comments