Traslacion ng Itim na Nazareno, nagsimula na!

Umuusad na ang andas ng Poong Itim na Nazareno.

Pasado alas-5:05 kaninang umaga nang mailipat sa andas ang imahen ng Nazareno.

Mula Quirino Grandstand, ang andas ay kakaliwa sa Katigbak Drive patungong Padre Burgos; kakaliwa sa Taft Avenue patungong Jones Bridge.


Kakanan sa kalye Dasmariñas; kakanan sa Plaza Sta. Cruz; kakaliwa sa Palanca patungong Quezon Bridge; kakaliwa sa Quezon Boulevard; kakanan sa Arlegui.

Kakanan sa kalye Fraternal; kanan sa Vergara; kaliwa sa Duque de Alba; kaliwa sa Castillejos; kakanan sa Arlegui; kakaliwa sa Nepomuceno; kakaliwa sa Aguila; kakanan sa Carcer; kakanan sa Hidalgo patungong Plaza del Carmen.

Pansamantalang hihinto ng ilang minuto ang andas ng Poong Nazareno sa harap ng San Sebastian Basilica para sa tradisyunal na dungaw at saka magpapatuloy ang prusisyon.

Kakaliwa sa Bilibid Viejo patungong kalye Gil Puyat; kakaliwa sa Z.P. De Guzman; kakanan sa Hidalgo; kakaliwa sa Bautista; kakanan sa Globo de Oro; kakanan sa Palanca; kanan sa Villalobos patungong Plaza Miranda hanggang makabalik sa simbahan ng Quiapo.

Pinutol na kanina ang cellphone signal sa palibot ng ruta ng Traslasyon sa Maynila bilang bahagi ng security precautions ng PNP para matiyak na walang panganib sa cellphone-activated bombs.

Sa huling datos ng NCRPO, tinatayang aabot sa 800,000 na deboto ang nasa Quirino Grandstand habang nasa 5,000 naman sa Quiapo, Manila

Inaasahang nasa tatlong milyong deboto ang lalahok sa Traslacion.

Noong nakaraang taon, inabot ng tinatayang higit 22 oras ang Traslacion.

Facebook Comments