TRAVEL ABROAD | Trillanes, naglagak na ng travel bond sa Makati RTC

Manila, Philippines – Naglagak na ng travel bond na P200,000 si Senator Antonio Trillanes IV sa Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 150 matapos ibasura ang apela ng Department of Justice (DOJ) na huwag itong payagang makabiyahe sa Europa.

Dahil dito, nakatakdang bumiyahe ang senador sa Disyembre 11 o sa araw ng Martes hanggang Enero 11, 2019.

Pansamantala din binawi ng Makati RTC Branch 150 ang Hold Departure Order (HDO) laban sa senador.


Samantala, naglabas naman ang Davao City RTC Branch 54 ng arrest warrant laban kay Trillanes dahil sa kasong libelo.

Ang apat na arrest warrant ay pirmado ni Presiding Judge Melinda Alconsel-Dayanghirang kung saan mayroong itinakdang bail bond na P24,000 kada kaso o kabuuang P96,000.

Nag-ugat ang kaso makaraang akusahan ni Trillanes si Paolo Duterte at bayaw nitong si Atty. Manases Carpio na sangkot sa smuggling ng bilyong pisong iligal na droga at ang umano ay pangingikil ni Pulong sa Uber at iba pang kumpanya.

Facebook Comments