Travel advisory sa Pilipinas at anim pang bansa, ibinaba ng US CDC sa Level 3

Ibinaba ng United States Center for Disease Control (US CDC) sa Level 3 high category ang travel advisory sa Pilipinas.

Mula sa Level 4 na “very high” category ay inilagay rin sa Level 3 ang Anguilla, Cape Verde, Fiji, Mexico, at United Arab Emirates (UAE).

Tanging ang Indonesia, Timor-Leste at ang Pilipinas lamang ang mga bansa sa southeast asia ang nasa Level 3 risk.


Sa kasalukuyan ay pinaiiwas ng CDC ang publiko na bumiyahe sa 135 na mga bansa at teritoryo, kabilang ang Hong Kong, New Zealand at Thailand dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Facebook Comments