Cauayan City, Isabela- Nagbabala sa publiko ang City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) ng Lungsod ng Cauayan hinggil sa ‘TRAVEL AT YOUR OWN RISK’ dahil sa pagpupumilit na bumiyahe sa itinuturing na lugar na may ‘local transmission’.
Ito ay naging pahayag ni CDRRMO Officer Ronald Viloria sa patuloy na paghingi ng mga travel pass ng mga residenteng nagbibiyahe sa lugar na ‘high risk’ sa banta ng COVID-19.
Ayon sa tanggapan ng CDRRMO, maaari nilang tanggihan ang pagbibigay ng travel pass sa mga residenteng hihingi nito kung mapag-aalaman nilang magbibiyahe ang mga ito sa itinuturing na ‘high risk’ areas sa Lalawigan ng Isabela.
Gayunman, hindi saklaw ng LGU kung ang indibidwal ay magpupumilit pa rin na bumiyahe sa kabila ng travel pass denied dahil ang iba naman ay may kanya-kanyang private vehicle na maaaring gamiting ng mga ito sa pagbiyahe.
Siniguro naman ng CDRRMO na kung mangyari man ito ay sa kanilang pagbalik gamit ang QR CODE ay madedetect kung saan sila nagpunta o sa lugar na may high risk ng COVID-19 at kanilang pagtitiyak na hindi na sila papapasukin sa lungsod.
Kagabi, nag ikot na ang pwersa ng kapulisan sa lahat ng entry point sa siyudad bilang pagtalima sa direktiba na kinakailangan ng magsuot ng faceshield maliban sa face mask para sa lahat ng papasok sa lungsod.
Sa ngayon ay itinuturing na ‘high risk’ ang mga Bayan ng Gamu, Naguilian, Echague At City of Ilagan.