Malabong maipatupad ng gobyerno ng Amerika ang panawagang travel ban ng ilang US senators laban sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na nasa likod ng pagpapakulong kay Senadora Leila De Lima.
Paliwanag ni Senate President Tito Sotto III – ang naturang resolusyon ay paglabag sa kanilang konstitusyon partikular sa “bill of attainder”.
Aniya, tanging ang judicial branch lang ang may kinalaman sa isyu at hindi ito dapat pinanghihimasukan ng lehislatibo.
Kaya naman hahayaan na lang din aniya ng Senado na ang Department of Justice (DOJ) ang tumugon sa isyu.
Matatandaang nagbabala si Sotto at ang kapwa nito senador na si Bong Go na hindi rin papayagang pumasok sa bansa ang mga opisyal ng Amerika.
Para naman kay Vice President Leni Robredo – ang resolusyon ng US senators ay kagaya lang din ng desisyon ng China na huwag papasukin sa kanilang bansa ang ilang opisyal ng pamahalaan.