Manila, Philippines – Hindi na obligado ang Grab Philippines na ibalik ang P2.00 per-minute-charge na nauna nang nagsingil sa kanilang mga pasahero mula noong June 5, 2017 hanggang April 19, 2018.
Ito ay matapos “partially granted” ang maging desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa Motion for Reconsideration (MR) ng Transport Network Company (TNC) na Grab Philippines.
Sabi ng LTFRB, ito ay dahil sa kawalan ng legal basis para suportahan ang reimbursement ng Grab sa pamamagitan ng rebates.
Gayunman, kailangan pa ring magbayad ng multang P10 million ang Grab dahil iligal at walang otorisasyon ang ginawang paniningil ng nasabing transport network service.
Ang pasya ay pirmado ni LTFRB Chairman Martin Delgra at Board Members Atty. Aileen Lizada at Engr. Ronaldo Corpus.