TRAYSIKEL DRIVER, ARESTADO SA PANGMOMOLESTIYA

Natimbog rin ng mga otoridad ang isang traysikel driver na matagal nang wanted sa batas matapos maisilbi ang kanyang warrant of arrest sa Barangay San Fermin dito sa Lungsod ng Cauayan.

Ang suspek ay nakilalang si Felix Alcaraz Mayo, 48 taong gulang, may-asawa, at residente rin ng nasabing barangay.

Pinangunahan ni PLt Arvin Asuncion, Intelligence Officer ng Cauayan City Police Station ang pagsilbi ng warrant of arrest sa suspek para sa kasong paglabag sa Presidential Decree 7610 o Anti-Child Abuse Law na may petsang October 3, 2022.

Umaabot naman sa halagang P200,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Nasa kustodiya pa rin ng PNP Cauayan ang suspek at anumang araw ay ipapasakamay na sa korteng pinagmulan ng warrant of arrest nito.

Facebook Comments