Sa ating panayam kay Joel Cadauan, mula sa barangay Carabatan Chica na 30 taon nang namamasada, sinabi nito na tuwing hindi madaanan ang alicaocao overflow bridge ay sinasamantala na lamang nila ang pagpila sa lugar para maka pagsakay ng pasahero.
Paliwanag nito na mas kumikita siya sa pagpila doon dahil sigurado na aniya na mayroon itong naisasakay na pasahero mula sa mga residenteng sumakay sa bangka na galing sa East Tabacal at Forest Region.
Wala rin aniyang kasiguraduhan kung magsibat o mag-ikot ikot ito sa Poblacion lalo na nitong kasagsagan ng Undas na walang gaanong pasahero.
Ayon pa kay Cadauan, swerte na lang din nila kung mayroong silang maisakay na pasahero na nagbabayad ng mas mataas sa minimum fare.
Samantala, inihayag pa rin ni Cadauan na mas mainam na bumalik ang magandang sitwasyon ng tulay o maging passable ito sa mga sasakyan dahil kawawa rin naman aniya ang mga napeperwisyong senior citizen, mga pumapasok na empleyado’t studyante na sumasakay sa mga motorized banca.