Treatment plan para sa tuberculosis, paiiksiin ng DOH

Paiiksiin ang Department of Health (DOH) ang treatment plan o gamutan para sa Tuberculosis o TB.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, mula sa anim na buwang gamutan ay paiiksiin ito sa apat na buwan, na ipatutupad sa ikatlong kwarter ng taon.

Aniya, ang mas maikling panahon ng pag-inom ng gamot para sa tuberculosis ay mas makatutulong upang gumaling ng tuluyan ang TB at mapigilan ang pagkalat ng sakit.


Dagdag pa ni Herbosa, inirekomenda ng World Health Organization (WHO) na gamitin ang apat na buwang gamutan, kung saan iinumin lamang ng pasyente ang isang partikular na gamot sa loob ng dalawang buwan, at pagkatapos ay ibang gamot naman sa natitira pang dalawang buwan.

Nabatid na isa ang Pilipinas sa apat na bansang may mataas na death cases ng TB, kung saan kabilang ang India, Indonesia, at Myanmar.

Facebook Comments