TRENDING | Avocado na kasing laki ng mukha ng tao, natagpuan sa isang isla sa Hawaii

44

Panghimagas – Umaasa ngayon ang isang ginang sa Hawaii na makasali na siya sa listahan ng Guinness world records.
Ito ay matapos ipresinta ni Pamela Wang ang natagpuang 5-pound (2.3 kilogram) na avocado habang naglalakad ito sa big island.
Ayon sa ginang, hindi niya akalain na makakakita siya ng avocado na kasing laki ng mukha ng tao lalo na at may kalamigan ang panahon.
Mismong mga kaibigan ni Wang ang siyang tumutulong ngayon para mai-promote ang kaniyang nadiskubre kung saan ipinapakalat nila ito via online.
Nabatid na nahigitan nito ang avocado ni Gabriel Ramirez ng Caracas, Venezuela na may bigat na 4 pounds, 13.2 ounces.

Facebook Comments