Manila, Philippines – Matapos na mag-trending last year dahil sa make-up transformation niya bilang si Miss Universe 2016 Iris Mittenaere…
Muling pinahanga ni Paolo Ballesteros ang netizens matapos naman niyang gayahin ang mukha ni Miss Universe-Philippines Catriona Gray.
Dalawang araw lang simula nang i-upload ang larawan, humakot agad ito ng 100,000 likes sa instagram.
Sa nakalipas na mga taon, mas lalong hinangaan si Ballesteros dahil sa mga make-up transformation niya.
Ilan pa sa mga ginaya niya sina Pia Wurtzbach, Marian Rivera, Gal Gadot, Taylor Swift, Julia Roberts at Tyra Banks.
Facebook Comments