BINAWI | Lifetime ban kay ex-NBA veteran Renaldo Balkman, inalis na ng PBA

68

PBA – Ibinasura na ng Philippine Basketball Association ang lifetime ban na ipinataw kay dating NBA player Renaldo Balkman.

Pumayag na raw kasi si dating PBA Commissioner Chito Salud na alisin ang ban sa manlalaro.

Gayunman, kailangan pang hintayin ang opisyal na anunsyo hinggil dito ni Commissioner Willie Marcial.

Taong 2013 nang ipag-utos ni Salud ang pag-ban kay Balkman dahil sa pananakal niya sa teammate sa Petron Boosters na si Arwind Santos.

Kasalukuyang naglalaro para sa Alab Pilipinas si Balkman na kalahok sa ASEAN Basketball League.

Facebook Comments