TRENDING | Lalaki, nag-ala spider man sa pagsakay sa tren sa Boston

Massachusetts – Nag-ala spider man ang isang lalaking pasahero ng tren sa Boston, Massachusetts.

Sa video na kuha rin ng kapwa nito pasahero sa Massachusetts Bay Transportation Authority Train, makikita ang commuter na naka-costume pa ng spider man habang nakalambitin pabaligtad sa handrail.

Nakuha pa nitong gumamit ng cellphone habang nakalambitin.


Walang nakakilala sa lalaki pero sabi ng ilan, posibleng regular na pasahero na siya na araw-araw ding nakakaranas ng siksikan sa loob ng tren.

Facebook Comments