TRENDING: Park Bo Gum nag-thank you kay Anne Curtis

59
Images from their official Twitter account

Pinasalamatan ni Korean actor Park Bo Gum si Kapamilya celebrity Anne Curtis dahil sa pagtulong nito maging “happy time” ang kanyang kauna-unahang fan meeting sa bansa.


“Thanks a lot for your kind words! It was a happy time indeed thanks to your help,” mensahe ni Park kay Curtis-Smith sa Twitter.


Dagdag pa ng Korean heartthrob, “I hope to see you again soon, and may God continue to bless you too with all the gifts he has prepared for you! Take care!”

Bago pa ito, nagpasalamat din si Curtis-Smith kay Park sa kasiyahang idinulot para sa mga  tagahanga.

“Thank you @BOGUMMY for visiting Manila. You made thousands of Filipinos happy tonight. It was a fan meet but felt like an all out concert,” pahayag ng aktres.

“Thank you for being such a polite gentleman. May God continue to bless you with the gift of inspiring & making millions of people happy!” pagpapatuloy ni Curtis-Smith.

Hindi din nakalimutan mag-thank you ni Park sa libu-libong tagahanga na dumalo sa kanyang meet and greet event noong Sabado, Hunyo 22, sa Mall of Asia (MOA) Arena.

Ito ang unang pagkakataong bumisita sa Pilipinas ng bidang lalaki sa Korean hit series na “Love in the Moonlight”. 

Facebook Comments

From Advertisers