TRENDING | Sharon Cuneta, aminadong iba na ang relasyon kay KC Concepcion

128

Manila, Philippines – Inamin ng Mega Star na si Sharon Cuneta na iba na ang relasyon nila ng panganay na anak na si KC Concepcion.

Sa kanyang Instagram post nitong Martes, ibinahagi ng 52-year old singer/actress ang relasyon niya sa mga anak kay Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan na sina Frankie, Miel at Miguel.

Dito ay nabanggit din ni Sharon ang pagkakaiba ng relasyon niya kay KC na ilang beses na ring napabalitang nakatampuhan niya.

Gusto raw niyang lumaking ‘independent’ si KC pero naging “medyo too independent” naman daw ito.

At dahil nasa tamang edad na ngayon si KC, hindi na raw siya nag-e-expect na magkakaroon siya ng malaking impact sa buhay ng kanyang panganay na anak.

Makahulugan din ang mensahe ni Sharon kung saan sinabi niyang may apat siyang anak pero parang sa tatlo lang niya naii-share ang buhay niya.

Facebook Comments