TRENDING | Video ng pagsuntok ng isang guwardiya kay Tony Labrusca, viral!

Viral ngayon sa social media ang video ng pagsapak ng isang guwardiya sa aktor na si Tony Labrusca.

Nabatid na katatapos lang ng mall tour ni Tony sa Batangas pero pinagkaguluhan at kinuyog ito ng mga kababaihan kaya at nahirapan ang mga guwardiya na awatin ang mga ito.

Tumakbo ang aktor para iwasan ang mga tao at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nasuntok ito ng isang guwardiya na humaharang sa mga audience kaya bigla na lamang siyang bumulagta.


Mabilis na dinala sa kaniyang dressing room si Tony para gamutin kung saan agad din siyang nag-post sa kaniyang Instagram account at sinabing nasa mabuti na siyang kalagayan saka iginiit na walang kasalanan ang guwardiya.

Matatandaan na sumikat si Tony dahil sa kontrobersyal at maiinit nilang eksena ni Angel Aquino sa pelikulang “Glorious.”

Facebook Comments